Skip to main content

Tinatayang dalawang piso (P2.00) ang ibababa ng per kilowatt-hour ngayong buwan ng Disyembre

Magandang balita!
INAASAHAN ang pagbaba ng singilin sa kuryente para sa mga residential, low at high voltage consumers. Tinatayang dalawang piso (P2.00) ang ibababa ng per kilowatt-hour ngayong buwan ng Disyembre. Ito ay sa pangunguna ni Engr. Erni G. Baggao at ng mga bagong halal na Board of Directors.
Maalalang tinanggap ni Engr. Baggao ang tungkulin bilang bagong Acting General Manager ng ISELCO II noong ika-28 ng Nobyembre 2022 sa bisa ng Office Order No. 2022-252 ng National Electrification Administration (NEA).
Sa loob ng kanyang unang dalawang linggong panunungkulan ay pinagtuunan niya ng pansin ang pagbaba ng power rate bilang tugon sa mga hinaing ng Member-Consumer-Owners (MCOs) ng ISELCO II.
Antabayanan ang ilalabas na power rate update at iba pang impormasyon kaugnay dito sa mga darating na araw. Maraming salamat.
#ISELCO2
Official Website of Isabela II Electric Cooperative
error: Content is protected !!