Skip to main content

Special Session | August 04, 2023

Walang humpay ang pagpupursige ng mga kawani ng ISELCO II sa pakikipag-ugnayan sa mga Liga ng mga Barangay (LNB) patungkol sa programang Republic Act 11552 o Lifeline Rate Extension Act para sa mga kwalipikadong 4Ps at Non 4Ps beneficiaries.
Noong ika-31 ng Hulyo ay nagtungo ang mga empleyado ng Institutional Services Department (ISD) kasama ang mga kawani ng Roxas Branch sa special session ng LNB Roxas.
Noong ika-1 ng Agosto kasama ang parehong pangkat ay nagpunta sa special session ng LNB Quezon.
At noong ika 3 ng Agosto, kasama ng mga ISD staff, ang mga kawani ng Roxas Branch office, gayundin ang mga Direktor ng District 4 Dir.Eduardo Dait at District 5 Dir. Wesly Tumaliuan ay nagpunta sa special session ng LNB Mallig, upang magbigay ng impormasyon at suporta sa nasabing programa. Sa parehong araw ay nagtungo din ang parehong grupo sa Barangay Power Association( BAPA) ng Santiago, Quirino upang talakayin ang mahahalagang impormasyon at magbigay liwanag sa mga katanungan ng mga MCOs sa nasabing barangay,para sa mas ikabubuti ng kanilang operasyon.
Ipinapaabot ng pamunuan ng ISELCO II sa pamumuno ni Acting General Manager Engr. Erni G. Baggao ang pasasalamat sa lahat ng MCOs na nasasakupan nito sa patuloy na pagsuporta sa ating kooperatiba.
#ISELCO2

Official Website of Isabela II Electric Cooperative
error: Content is protected !!

ISELCO II

Typically replies within an hour

I will be back soon

👋 Hello! Welcome to ISELCO II’s official Facebook Messenger.
I’m your virtual assistant here to help with your inquiries.

How can I assist you today?
- 🔌 Report a power outage
- 💡 Check billing or account status
- 📄 Service application requirements
- 📞 Contact customer support
Messenger