
Power Monitoring Report | October 01, 2022
#KardingPH Power Monitoring Report
Umabot na sa PhP41 Million ang halaga ng pinsala ng Super Bagyong Karding sa mga electric cooperative sa bansa, batay sa tala ng NEA Disaster Risk Reduction and Management Department ngayong araw.
Ang Nueva Ecija I Electric Cooperative, Inc. (NEECO I) ang nakapagtala ng pinakamalaking pinsala na nasa mahigit PhP23 Million.
Tuloy-tuloy naman ang power restoration sa mga lugar na hinagupit ng bagyo sa tulong ng Task Force Kapatid. Nasa 97.97 percent na ng kabuuang koneksyong naapektuhan ng bagyo ang napailawan ulit. Katumbas iyan ng mahigit 6.49 million consumer connections.