Skip to main content

Pagpapaliwanag sa mga katanungan nauugnay sa pagtaas ng singilin sa kuryente ngayong buwan ng Hunyo 2021


Sa dalawang magkasunod na araw, Hunyo 28, 2021 at Hunyo 29, 2021 ay dinaluhan ng mga kawani ng ISELCO II na kinabibilangan ni Engr. Genaro Lucas ang Wholesale Electricity Spot Market Chief, Engr. Harold David na Chief ng Line Construction and Maintenance Division, Ms. Jennifer de Bien ang Chief ng Consumer Accounts and Control Division, Ms. April R. Cubangbang na Chief ng Member Services Division, Billing Section Head Mr. Eldon Balisi, branch managers at mga sub-office heads ng kooperatiba,ang imbitasyon ng City Council sa City of Ilagan at Sangguniang Bayan sa munisipalidad ng San Mariano, Isabela.
Ang mga nasabing imbitasyon ay kapwa pagpapaliwanag sa mga katanungan nauugnay sa pagtaas ng singilin sa kuryente ngayong buwan ng Hunyo 2021 at upang tugunan ang iba pang usapin hinggil sa pagbibigay ng serbisyong pangkuryente sa mga MCOs ng ISELCO II.
Samantala, umaasa naman ang kooperatiba na sa pamamagitan ng mga ganitong pagpupulong ay mas makatulong upang maiparating at maipaunawa sa member-consumers ang mga komprehensibong dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagbabago sa halaga ng ating bayarin sa kuryente.

Official Website of Isabela II Electric Cooperative
error: Content is protected !!