Skip to main content

Pagpapalawig ng Adhikain ng ISELCO II

Kaugnay pa rin sa pagpapalawig ng adhikain ng ISELCO II na tuloy-tuloy na pag-unlad nito para sa kapakanan ng mga member-consumer-owners, patuloy ang pakikibahagi ng kooperatiba sa mga pagpupulong katulad ng LNB meeting na ginanap sa Aurora, Isabela ngayong araw, Nobyembre 16, 2021. Ang gawaing ito ay isang paraan upang mapagtibay pa lalo ang relasyon ng kooperatiba sa mga miyembro nito.

Kasama ni Dir. Hardy V. Urma ang iba pang empleyado ng ISELCO II katulad ni Mr. Benaldbert Bautista, Aurora Branch Office Manager; Ms. Apryl Cubangbang, MSD Chief; Ms. Genevieve Uy, MSDMR Section Head; at Ms. Mary Claire Valencia, Information Officer.

Umaasa naman ang kooperatiba na maging bahagi pa rin ito ng iba pang klaseng pagpupulong kaharap ang mismong mga member-consumer-owners upang mas lalo pa nilang maunawaan ang mga bagay patungkol sa kooperatiba.

Official Website of Isabela II Electric Cooperative
error: Content is protected !!