
Pagkukumpuni ng Nasirang Tieline dulot ng Malawakang pagbaha sa Lalawigan ng Isabela at Cagayan
Ngayong araw Disyembre 10, 2019 ay sinimulan na ang pagkukumpuni ng nasirang Tieline dulot ng malawakang pagbaha sa lalawigan ng Isabela at Cagayan. Ang tieline na may taas na 90 footer at 60 footer ang nagdudugtong sa linya ng Cansan, Cabagan, Isabela at Bagutari Sto.Tomas, Isabela. Ang pagsasaayos ay ginawa sa pangunguna ng butihin at masipag na ISELCO II General Manager Mr.David Solomon M. Siquian. Ayon sa kanya, kung matatapos ngayong araw ang pagkukumpi ng nasirang linya ng kuryente ay mapapailawan na ang mga kabahayan sa mga nabanggit na mga bayan ngayong araw din. Makakaasa ang mga Member-Consumer Owners(MCOs) na tuloy-tuloy na ang pagsasa ayos ng mga nasirang linya dahil humupa na ang tubig sa ilog.
Naroon din si Line Superintendent na si Engr.Harold David, Tumauini Branch Manager na si Ms. Agnes Palce, ilang empleyado sa Technical Services Department at ang ilan sa mga kawani ng PDRRMC at mga awtorisadong electrician ng ISELCO II upang makipagbayanihan sa pagsasaayos ng nasirang Tieline.