PABATID: Lahat ng Member-Consumer-Owners (MCOs) ay Nararapat na Magsumite ng Kanilang TIN sa Kooperatiba
Alinsunod sa CDA Memorandum Circular No. 2022-14, tungkol sa pagsusumite ng mga miyembro ng Kooperatiba ng Taxpayer Identification Number (TIN), lahat ng member-consumer-owners (MCOs) ay nararapat na magsumite ng kanilang TIN sa Kooperatiba.
Ang hinihinging impormasyon ay ipapasa ng Kooperatiba sa Revenue District Office alinsunod na rin sa Revenue Memorandum Order No. 76-2010.
Makakaasa at makatitiyak kayo na lahat ng personal na impormasyon ng mga MCOs na nauugnay dito ay mananatiling confidential.
#ISELCO2