
PABATID: Ang ISELCO II ay opisyal na rehistrado sa Cooperative Development Authority (CDA) noong June 22, 2007
Ang ISELCO II ay opisyal na rehistrado sa Cooperative Development Authority (CDA) noong June 22, 2007. Alinsunod sa Rule 10, Section 3 ng RA 9520; Article VII, Section 6 ng Cooperative By-Laws at Articles of Cooperation – Article 10, ang paglalagak ng share capital ng bawat MCO ay naipatupad upang maging regular na miyembro at ganap na kamay – ari ng kooperatiba.
Ang regular na Member-Consumer-Owners o MCOs ay kailangang maglagak ng labing dalawang (12) share capital na nagkakahalaga ng P100 bawat share. Sa kabuuan, ito ay nagkakahalaga ng ₱1,200.00 para sa 12 shares.
Ang capital share na ₱1,200 ay naibabawas ayon sa sumusunod na nakunsumo sa bawat buwan hanggang sa ito ay makumpleto:
1-20KWH ₱20.00
21-50KWH ₱50.00
51KWH pataas ₱100.00
Sa mga MCOs na ganap nang nagbayad ng kanilang CAPITAL SHARES noong December 2018, ang DIVIDEND ay na-credit sa iyong account at itinuring bilang bayad o paunang bayad sa mga singil sa kuryente ng mga consumers na WALANG ARREARS.
I-click ang link na ito https://www.facebook.com/…/a.36845312…/5564359653582188/ upang makita ang schedule ng mga DIVIDENDS na naibigay at naibawas sa power bill ng mga MCO simula January 2022.
Para sa iba pang katanungan hinggil dito, tumawag sa ISELCO II hotline: Globe 0956 994 6944 / Smart 0929 663 4511.