Skip to main content

PABATID

Kaugnay ng inisyal na impormasyong inilabas ng Kooperatiba tungkol sa resolution No. 003 series of 2023 sa Policy on Discount and Penalty na aprubado noong 39th AGMA, nais naming ipabatid na ang 1% na diskwentong ibibigay sa mga Member-Consumer-Owners (MCOs) na kumokonsumo ng 101 KWH pataas ay naaangkop lamang sa mga makakapagbabayad ng kanilang power bill sa mga sangay na opisina ng ISELCO II limang (5) araw pagkatapos ng reading at billing.
Binibigyang-diin na ang diskwento ay HINDI naaangkop kapag ang pagbabayad ay ginawa sa pamamagitan ng Bayad Center at iba pang authorized payment partners ng Kooperatiba.
Maraming salamat po.
#ISELCO2
Official Website of Isabela II Electric Cooperative
error: Content is protected !!