NGCP North Luzon humingi ng paumanhin sa mahabang brownout sa nakalipas na mga araw

By Bombo Jayson Felina

Narito ang opisyal na pahayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Bombo Radyo Cauayan, kaugnay sa dahilan ng mahabang oras sa restorasyon ng kuryente nitong nakaraang Hunyo 26, 2021, araw ng Sabado.

Hindi inaasahan ang mga technical problem sa isinagawang Upgrading at Commissioning ng Gamu sub-station na nagsanhi ng mahabang brownout noong araw ng Sabado, Ikadalawampu’t anim ng Hunyo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag Bb. Malou Refuerzo, Government Relations and Regional Affairs Lead Specialist ng NGCP North Luzon na isinasagawang pag-upgrade ng Gamu sub-station

Sinabi niya na natuloy din noong araw ng Sabado ang isinagawang isinagawa ang commissioning ng Gamu sub-staion na nauna nang na-schedule noong ikadalawampu ng Hunyo ngunit dahil Fathers Day ay kanilang ipinagpaliban batay sa kahilingan ng nakakaraming member consumers ng ISELCO 2.

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa panahon ng upgrading ang nakatakdang alas sais ng umaga hanggang alas sais ng gabi ay pinalawig hanggang alas otso ng gabi dahil sa pagsasaayos ng mga equipment.

Noong sinubukan nang ibalik ang tustos ng kuryente ng alas otso ng gabi ay nagkaroon ng technical problem sa trabnsformer at kinakailangang nilang mag-adjust sa kanilang power transmission.

Bumalik anya ang daloy ng kuryente ganap na alas diyes ng gabi ng Sabado ngunit ilang sandali lamang ay nawalan din ng ilaw dahil sa auto-tripping kung saan inabot ng hanggang alas dose na ng madaling araw ng Linggo na naayos at nagkaroon ng ilaw

Kaugnay nito y humihingi ng paumanhin ang pamunuan ng NGCP north Luzon sa hindi inaasahang pagkakaroon ng mas mahabang brownout sa itinakdang scheduled brownout.

Ang bahagi ng pahayag ni Bb. Malou Refuerzo, Government Relations and Regional Affairs Lead Specialist ng NGCP North Luzon.

Don't hesitate to contact us. We will answer you soon!

Visitor Counter

0 0 4 2 3 8

Contact Information

Address

Government Center, Alibagu, City of Ilagan, Isabela

Phone Numbers

Globe: 0956-994-6944

Smart: 0929-663-4511

Follow us
Copyright © 2018. Isabela II Electric Cooperative. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website of Isabela II Electric Cooperative
error: Content is protected !!