Nananatiling nakataas ang TCWS No. 1 sa buong lalawigan ng Isabela dahil sa Bagyong #LuisPH.
BAGYONG LUIS, PAPALAPIT NA SA ISABELA
Papalapit na sa lalawigan ng Isabela ang Bagyong #LuisPH, na maaaring mag-landfall mamayang gabi o bukas ng umaga.
Namataan ang sentro ng bagyo bandang 1:00 ng hapon sa karagatan sa silangang bahagi ng baybaying bayan ng Palanan.
Nananatiling nakataas ang TCWS No. 1 sa buong lalawigan.