Nagpapaabot ng Pasasalamat ang ISELCO II sa mga SWDO at mga Punong Barangay na Nagpapakita ng Suporta sa Programa
Puspusan ang pagsisikap ng mga kawani ng ISELCO II sa isinasagawang regular na pagtanggap ng applications para sa Lifeline rate discount upang maibahagi ito sa mga 4Ps and non-4Ps beneficiaries bago o pagsapit ng August 1, 2023. Ang programang ito ay ayon pa rin sa Republic Act 11552 o Lifeline Rate Extension Act.
Sa kabila ng banta ng bagyong Egay noong June 25, 2023, ang mga staff ng Institutional Services Department kasama ang mga kawani ng Roxas Branch at Quirino Sub-office ay patuloy na kumikilos upang tumanggap ng applications mula sa iba’t ibang lugar.
Dalawang cluster (binubuo ng magkakaibang barangay) sa magkahiwalay na lugar mula umaga hanggang hapon ang araw-araw na pinupuntahan ng Kooperatiba upang ilapit ang nasabing programa sa mga nararapat na makatanggap ng benepisyong ito.
Bago tumanggap ng application ay nagsasagawa muna ng Information Education and Communication (IEC) campaign ang mga kawani ng ISELCO II upang maipaliwanag ng husto ang nasabing programa.
#InfoDrive
#ISELCO2
#LifelineRateDiscount