Lifeline Rate Discount for 4Ps
Patuloy pa rin ang pagtanggap ng ISELCO II ng applications para sa Lifeline rate discount para sa mga 4Ps at non-4Ps beneficiaries na kumokonsumo ng 1-20 kWh kada buwan. Ang programang ito ay sang-ayon sa Republic Act 11552 o Lifeline Rate Extension Act.
Upang mapabilis ang proseso, ang Kooperatiba ay patuloy pa rin sa pakikipag-ugnayan sa mga Liga ng Barangay sa bawat munisipalidad para sa clustered na pagtanggap ng aplikasyon. Kasabay ng pagtanggap ng application, ang mga kawani ng Kooperatiba na personal na bumibisita sa mga barangay ay nagsasagawa rin ng Information Education and Communication (IEC) campaign upang maipaliwanag ng husto ang nasabing programa.
Ang full implementation ng Lifeline Rate Program ay extended hanggang January 1, 2024.
#ISELCO2