ISELCO II Power Rates for the Month of December 2023
Isang mabuting balita muli ang hatid ng Kooperatiba para sa mga MCOs!
Muli pang bumaba ang taripa ng kuryente na ipatutupad ng ISELCO II ngayong buwan ng Disyembre 2023. 9.5265/kwh ang para sa mga residential consumers, habang 8.3362/kwh sa low voltage, 6.7454/kwh sa high voltage, at 9.8651/kwh sa SPUG PALANAN.
Matatandaan na ang pagpapababa sa taripa ng kuryente ay isa sa mga pangunahing layunin ni Acting General Manager, Engr. Erni Baggao na siya pa ring nangunguna sa patuloy na pakikipagtulungan sa pamahalaang panlalawigan at pakikipag-ugnayan sa mga power suppliers upang makapaghatid ng sapat na supply ng kuryente sa mas mababang halaga. Batid ni Engr. Baggao na ang presyo ng kuryente ay isa sa mga iniinda ng mga MCOs na nais niyang tugunan mula nang siya pa lamang ay nagsimulang umupo bilang AGM ng Kooperatiba.
Muli ay nagpapaabot ng pasasalamat si AGM Baggao sa lahat ng mga member-consumers na patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa Kooperatiba. Makakaasa ang mga MCOs sa kanyang patuloy na pagsusumikap upang maitaguyod at maiangat pa lalo ang ISELCO II para sa ikabubuti ng mga consumers.
#DecemberPowerRate
#ISELCO2