
Isasailalim sa Yellow Alert ang Luzon Grid ngayong Lunes, September 12, 2022
Inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na isasailalim sa yellow alert ang Luzon grid ngayong Lunes, September 12, mula 9 a.m. hanggang 1 p.m. at 4 p.m. hanggang 9 p.m. Nasa red alert naman ito mula 1 p.m. hanggang 4 p.m.
Pitong planta ang nasa forced outage, habang tatlong iba pa ang nasa derated capacities.