Frequently Asked Questions
Magtungo lamang sa mga malapit na sangay na opisina ng ISELCO II sa inyong lugar. Makipag-ugnayan sa Member Service Coordinator (MS Coordinator) o sa mga awtorisadong kinatawan lamang para sa porma na kailangan ninyong punan at mga requirements na kailangan ninyong isumite.
Ang metro ay libre para sa mga Residential member-consumer-owners. Ang binabayaran lamang ay membership fee at registration fee.
Note: Ang mga New Consumers ay kinakailangan din makilahok sa Pre-membership Education Seminar (PMES) na isinasagawa sa pamamagitan ng Zoom bilang bahagi ng Application Process.
Ang mga authorized barangay electricians (ABE) ay hindi mga empleyado ng ISELCO II, ngunit sila ay kaalyado ng Kooperatiba na awtorisadong mag-install ng electrical wires sa loob lamang ng bahay o establisyimento. Ang wirings naman sa labas ng bahay, mula sa metro hanggang sa tapping point ay sakop ng Kooperatiba.
Ang Kooperatiba ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga ABE upang magbigay ng impormasyon ukol sa mga standard house wiring practices, mga patakaran ng ISELCO II kaugnay sa house-wiring at mga bagong alituntunin sa pagpapakonekta ng serbisyo.
a. Ang sinumang kasalukuyang gumagamit sa metro ng namayapang miyembro ng ISELCO II.
b. Ang mga nakabili ng property na nais mailipat sa kanilang pangalan ang electric bill account.
Para sa iba pang impormasyon hinggil dito, bisitahin ang link sa Facebook page. https://www.facebook.com/366076710077201/posts/4931473160204177/?d=n
Umaabot ng labing-anim (16) working days mula sa araw na naisumite ang mga kaukulang dokumento at nabayaran ang registration fee at membership fee bago maikonekta ang serbisyo ng kuryente. Maaaring kailanganin ng mas maraming oras depende sa pagkakaroon ng suplay ng kuntador.
Libre ang pagpapakonekta ng metro sa pamamagitan ng mga linemen ng ISELCO II.
Ang ISELCO II ay opisyal na rehistrado sa Cooperative Development Authority (CDA) noong June 22, 2007. Alinsunod sa Rules 10, Section 3 ng RA 9520; Article VII, Section 6 ng Cooperative By-Laws at Articles of Cooperation – Article 10, upang maging regular na miyembro at ganap na kamay – ari ng kooperatiba, ang mga regular MCOs ay kailangan bumili ng labing dalawang (12) saping puhunan o share capital na nagkakahalaga ng P100 bawat share capital. Sa kabuuan, ito ay nagkakahalaga ng P1,200 para sa 12 stocks. Ang MCO ay pipirma ng Subscription Agreement alinsunod sa Memorandum Circular 2013-04 na inilabas ng CDA taong 2013.
Alamin ang pamamaraan ng pagbabayad ng capital share batay sa konsumo bawat buwan hanggang sa ito ay makumpleto: https://www.facebook.com/watch/?extid=NS-UNK-UNK-UNK-IOS_GK0T-GK1C&v=948489589391542
a. Generation Charge – Ito ay tumutukoy sa halaga ng kuryenteng binibili ng ISELCO II mula sa mga Independent Power Providers (IPPs), Wholeale Electricity Spot market (WESM), at Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP).
Mga bagay na nakaaapekto sa pagtaas ng generation charge:
- WESM
- Planta ng kuryente
- Presyo ng gasolina
- Forex rate
- Season
Note: Mahigit kalahati sa binabayaran nating power bill ay napupunta sa generation charge.
b. Transmission charge – Ito ay uri ng singilin sa paggamit ng Transmission System sa paghahatid ng kuryente sa ISELCO II. Ang singilin na ito ay ibinabayad sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
c. System Loss (SL) Charge – Ito ay uri ng singilin upang mabawi ang kuryenteng nawawala habang dumadaloy sa distribution system ng ISELCO II dahil sa mga ipinagbabawal na pamamaraan. Ang Republic Act 9136 ay nagpapahintulot sa mga Electric Cooperatives na kumolekta ng system loss charge.
d. Universal Charges and Subsidies – Ito ay karagdagang singilin para sa mga naiwang utang sa National Power Corporation at mga iba pang awtorisadong singilin alinsunod sa Republic Act 9136. Ang Lifeline Subsidy and Lifeline Discount ay nakapaloob naman sa Section 73 ng Republic Act 9136 para sa mga residential consumers lamang. Ito ay tumutukoy sa mga discount o karagdagang singil sa mga consumers na gumagamit ng higit sa 25-kilowatt hour na naaayon sa ERC Case Number 2001-902.
e. Distribution charge – Ang singilin para sa pagpapatakbo at pagpapanatili ng mga kagamitang pang-elektrisidad at iba pang mga serbisyo na may kaugnayan sa pagpapadaloy ng kuryente. Ito lamang ang kabuuang singilin na napupunta sa ISELCO II.
Bukod sa mga opisina ng ISELCO II at collection points na nakatalaga, maaari rin magbayad sa pamamagitan ng mga awtorisadong payment partners ng ISELCO II katulad ng:
- Savemore Bills Payment
- M Lhuillier
- Villarica
- Robinsons Department Store
- Palawan Express
- U Super Service Center
- Ebiz
LANDBANK Link.BizPortal (bisitahin ang link para sa paraan ng paggamit https://www.facebook.com/ISELCOII/photos/a.368453126506226/4540791769272320/)
Ang power bill ay dapat bayaran sa loob ng sampung araw o 10 working days pagkatapos maibigay ang billing notice. Kung ang due date ay nataon sa isang holiday o Sabado/Linggo, ang pagbabayad ay maaaring sa susunod na working day.
Ito ay mahigpit na ipinapatupad ng Kooperatiba upang ugaliin ang pagbabayad ng power bill sa takdang araw. Ang higit sa isang buwang hindi nabayaran ay nangangahulugan ng pagpuputol ng serbisyo ng kuryente.
Ang pag-iiba-iba ng mga singil sa kuryente bawat buwan ay karaniwang resulta ng mga sumusunod:
- Pagdaragdag ng bagong appliance
- Pagpapalit ng apppliances mula sa maliit na kapasidad sa mas malaking kapasidad
- Karagdagan o mas matagal na paggamit ng appliances
- Mga sira at/o grounded na mga wire at
- Maling pagbabasa ng kuntador
- Pagtaas ng power rate
- Mga appliances at electronics na nananatiling nakasaksak sa lahat ng oras.
Ang transmisyon at distribusyon ng kuryente ay nanatiling kontrolado. Sa pamamagitan ng rate making powers ng Energy Regulatory Commission (ERC) ay nasisiguro ang patas at makatwirang presyo ng singilin sa kuryente.
May tao man o wala sa tahanan ng isang kasapi ay maaaring maputulan ng serbisyo ng kuryente kapag humigit sa isang buwan ang hindi nabayarang power bill.
Upang muling maikonekta ang isang account na nadiskonekta dahil sa hindi pagbabayad, marapat na bayaran ang kabuuang balanse sa account at ang reconnection fee na nagkakahalaga ng Php112.00 (with VAT included).
a. Scheduled Power Interruption- ito ay kinakailangan upang maisagawa ang pagpapanatili at pagkukumpuni sa mga imprastraktura at kagamitang bahagi ng linya ng kuryente. Ito ay mahalaga upang mapabuti at matiyak ang maaasahang transmisyon o distribusyon ng kuryente.
Sino ang nagtatakda ng scheduled power interruption?
- National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)
- Isabela II Electric Cooperative (ISELCO II)
b. Unscheduled Power Interruption- ito ay biglaang pagkaantala at hindi inaasahang pagkawala ng daloy ng kuryente. Ang sumusunod ay karaniwang mga sanhi nito:
- Equipment Failure
- Natural Disaster
- Man – made accidents
- Wildlife Interference
- Sabotage/Pilferages
Para sa iba pang impormasyon hinggil dito, bisitahin ang link sa Facebook page: https://www.facebook.com/ISELCOII
Kung may nais kayong bigyan ng paglilinaw hinggil sa mga serbisyong pangkuryente, maaaring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng ISELCO II hotline number:
- 0956-994-6944 (Globe)
- 0929-663-4511 (Smart)
- Free KWH meters
- No disconnection after 3:00 in the afternoon until 8:00 am the following day, during weekends and holidays, during funeral wake, and when a consumer is dependent on electric equipment/ life support system
Para sa iba pang impormasyon hinggil dito, bisitahin ang link sa Facebook page: https://www.facebook.com/ISELCOII