Dumalo ang Isabela II Electric Cooperative sa isinagawang legislative hearing na ginanap sa Provincial Amphitheater


28 Hunyo 2021- Dumalo ang Isabela II Electric Cooperative sa isinagawang legislative hearing na ginanap sa Provincial Amphitheater, Capitol Building, Alibagu, City of Ilagan, Isabela. Kasama din sa pagdinig sina Vice Governor Bojie G. Dy III, ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at ilang mga Member Consumer Owners.
Ang pagdalo ng mga empleyado ng ISELCO II na pinangunahan ni General Manager David Solomon Siquian, Board President Walfrido Binag at Dir. Michael Paguirigan ng District 1 bago ang lupon ng pambatasan ay upang linawin at ipaliwanag ang mga usapin hinggil sa pagtaas ng singil sa kuryente para sa buwan ng Hunyo at ang madalas na pagkawala ng kuryente sa mga saklaw na lugar nito.
Dumalo din sa pagdinig ang mga department managers ng ISELCO II Finance Manager, Mr. Liborio P. Medrano; Institutional Manager, Ms. Pinky Ann C. Lucas; Technical Manager, Engr. Joseph Palattao; Corporate Planning Manager, Engr. Charles Roy Olinares.

Don't hesitate to contact us. We will answer you soon!

Visitor Counter

0 0 0 4 3 7

Contact Information

Address

Government Center, Alibagu, City of Ilagan, Isabela

Phone Numbers

Globe: 0956-994-6944

Smart: 0929-663-4511

Follow us
Copyright © 2018. Isabela II Electric Cooperative. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website of Isabela II Electric Cooperative
error: Content is protected !!