
Barangay Assembly para sa ikalawang semestre ng 2022
Sa pamumuno ng mga opisyal ng mga barangay sa bawat bayang sinasakupan ng ISELCO II, ay kasalukuyang isinasagawa ang barangay assembly para sa ikalawang semestre ng 2022 bilang mandato ng Section 397 ng RA 7160 o Local Government Code of 1991.
Nitong Nobyembre 5 at 6, 2022 sa pangunguna at suporta nina OIC General Manager Charles Roy Olinares at Board Chairman Hardy Urma, pinaunlakan ni Dir. Sherwin Balloga kasama ng mga staff ng ISELCO II ang imbitasyon ng iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Ilagan katulad ng San Andres, Calamagui 1st, San Pablo, at Sta. Isabel Sur.
Sa naturang mga barangay assembly ay inihayag ni Dir. Balloga ang mga mga plano at programa ng ISELCO II sa hinaharap para sa kapakanan ng mga member-consumer-owners (MCOs).
Ito rin ay nagbigay-daan sa pagsasagawa ng Information Education and Communication Campaign upang maghatid ng impormasyon at mas mapalawak ang kaalaman ng mga MCOs tungkol sa Kooperatiba.
#ISELCO2