
Ang imbitasyon ng Sangguniang Bayan sa munisipalidad ng Naguilian, Isabela ay buong pwersang dinaluhan ng mga kawani ng ISELCO II
Ang imbitasyon ng Sangguniang Bayan sa munisipalidad ng Naguilian, Isabela ay buong pwersang dinaluhan ng mga kawani ng ISELCO II sa liderato ni GM David Solomon Siquian at Dir. Gaudencio Reyes, Jr. ng District IX kasama ang mga Department Heads, Division Chiefs at mga Supervisors ng iba’t – ibang departamento. Ito ay ginanap sa Naguilian Coliseum, Quezon, Naguilian, Isabela.
Ang naturang pagdinig ay pinangunahan ng ama ng bayan na si Mayor Juan Capuchino, SB members, miyembro ng Liga ng mga Barangay at mga Member-Consumer-Owners sa iba’t-ibang sektors upang tunghayan ang paliwanag ng ISELCO II patungkol sa pagtaas ng singilin sa kuryente ngayong buwan ng Hunyo 2021 at sa mga power outages na nararanasan sa kanilang lugar.
Inanunsiyo din ng pamunuan ng ISELCO II para sa mga residential Member Consumer Owners na ang power bill sa buwan ng Hunyo ay maaring bayaran ng dalawang hulugan sa mga buwan ng Hulyo at Agosto 2021 at ang pagpapatupad ng “No Disconnection Policy” para sa mga nakakonsumo sa buwan ng Hunyo.
Maganda ang naging resulta ng dialogue at patunay lamang na nareresolba ang lahat ng problema sa mapayapa ay maayos na pag-uusap. Ang mga kahilingan nila Mayor at MCOs patungkol sa elektrisidad ay maluwag na tinanggap ng pamunuan ng ISELCO II at makakaasa sila na matutugunan ang kanilang mga kahilingan.