POWER RATE UPDATE | MAY 17, 2023
POWER RATE UPDATE
Magandang balita!
Ipatutupad ngayong buwan ng Mayo 2023 ang pagbaba ng power rate mula sa Php 17.1080/kWh noong nakaraang buwan ay bumaba sa Php 15.6878/kwh para sa residential consumers. Mula naman sa Php 15.9177/kWh ay bumaba ito ngayong buwan sa Php 14.4975/kwh para sa low voltage consumers. Habang ang singil sa high voltage consumers ay bumaba ngayong buwan mula Php 14.008/kWh sa Php13.0738/kwh.
Sa kabila ng abalang iskedyul ng pamunuan ng ISELCO II dahil sa iba’t ibang nakahanay na aktibidad ng Kooperatiba, sa pamumuno ni Acting General Manager, Engr. Erni G. Baggao, ay pinagtuunan pa rin ng pansin at pinagsikapang gumawa ng mga hakbang upang mapababa ang taripa ng kuryente ngayong buwan ng Mayo.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang aming paalala na mahalagang maging masinop at matalino sa paggamit ng kuryente.
#MayPowerRate
#ISELCO2