
POWER BLOC FILES HOUSE BILL TO SCRAP MULTIPLE TAXATION ON ELECTRICITY
POWER BLOC FILES HOUSE BILL TO SCRAP MULTIPLE TAXATION ON ELECTRICITY
TRANSCRIPT OF ASSISTANT MINORITY LEADER SERGIO DAGOOC’S STATEMENT ON THE PROPOSAL TO REMOVE MULTIPLE TAXATION ON ELECTRICITY
“Ang fi-nile po namin ay talagang alisin ‘yung VAT [value-added tax] sa lahat ng charges. But, as a compromise, pwede pong isa lang, doon sa napakaraming charges, ang papatawan ng buwis. Bakit po? Para sa akin, hindi lang po double taxation ang nangyayari sa kuryente. Multiple po. Bakit? Kapag nag-import ka po ng panggatong, kasi susuriin natin saan nanggaling ang kuryente, hindi naman po magic ‘yan; so, ‘yung nag-generate ng kuryente, planta po ‘yun. ‘Yung panggatong, depende po sa technology. Kung coal ‘yan, mag-import tayo, doon [bansa] galing, Indonesia galing, kapag bunker, iba-ibang bansa o diesel, pag-import pa lang, may excise tax tayo. Then ‘yung halimbawa, one metric ton na coal, i-gatong mo ngayon sa planta, paglabas niyan, ‘yan ‘yung kilala natin na kilowatt-hour, [unit of measurement ng] energy, 1 kilowatt-hour [kWh]. Paglabas niyan, ‘yan ‘yung kauna-unahang component sa electric bill mo. Generation charge. May 12% naman na VAT ‘yun.
‘Yung kuryente na mapo-produce ng planta, hindi po makakarating sa bahay mo ‘yan, dadaan po ‘yan sa transmission line ng NGCP. Noon po, TransCo po ang [transmission], sa gobyerno po ‘yun, atin po ‘yun. Pero dahil sa EPIRA, atin pa rin ‘yung transmission line, pero pinaparentahan po natin sa National Grid (Corporation of the Philippines) na private entity. ‘Yung pangalawang charge po, transmission charge, ‘yan po ‘yung renta natin. Tayo ang nagrerenta sa ating transmission line para makarating po sa substation ng mga distribution utility ‘yung kuryente. So, ‘yung siningil po sa dalawa na ‘yan, generation at tsaka transmission, may VAT po ‘yung dalawa.
Ngayon, ‘yung pag-transport ng kuryente na galing sa planta papunta sa sub-station ng distribution utility, may nawawala pong kuryente ‘yan. ‘Yan po ‘yung systems loss. Dalawa pong klase ‘yan, technical at non-technical losses. ‘Yung systems loss, binabayaran po natin ‘yan dahil kung ang reading sa metro ng planta na kinukunsumo ng, for example, MERALCO, ay 100 [kWh], exactly 100 [kWh] po ang babayaran ng MERALCO sa planta na ‘yun. Pero ang dumating po sa substation ng MERALCO, halimbawa, 95 kWh lang, may 5 [kWh] pong nawawala, ‘yan pong lima, babawiin po sa systems loss. Pero may VAT na naman po ‘yung systems loss. Saan ka makakakita na losses na nga, may tax pa? Pero ‘yung siningil na ‘yan ng MERALCO, ibabayad din po sa planta ‘yun. ‘Yung tax, ibabayad po sa BIR, ‘yung tatlo [generation, transmission, systems loss] na ‘yun.
Pagdating sa distribution, electric cooperative o private, ‘yan yung distribution charge. May 12% [VAT] na naman ‘yan. Supply charge, may 12% yan, metering charge, may 12% naman ‘yan. So ang pino-propose namin sa aming bill, halimbawa, hindi man maibaba ‘yung lahat [ng tax] or [maging] malaking kakulangan sa ating revenue [kapag inalis lahat ng tax]; kapag pinatawan ng tax ‘yung generation, [tanggalin na ‘yung tax ng] transmission, systems loss, distribution, supply, and metering [charges]. Mamili lang po tayo ng isa. Why? Because we are talking of the same 1 kWh from the power plant to your incandescent bulb.” ###
#PowerBlocToday